Linggo, Enero 18, 2015

Darating din yung araw,na mapapansin mo ko


Ang tunay na lalaki at babae

ANG TUNAY NA LALAKI,
  • Marunong rumispeto sa babae man o lalaki.
  • May paninindigan.
  • Marunong mag hintay.
  • Hindi nag papaiyak ng babae.
  • Hindi PAASA o pa-Fall.
  • Marunong dumiskarte
  • Hindi marunong mangloko.
  • Sa bahay nanliligaw hindi sa kanto.
  • Sa personal nanliligaw hindi sa chat o sa text.
  • Nag mamahal ng lubos sa iisang babae.
ANG TUNAY NA BABAE,
  • Pasekreto kung kiligin.
  • Madalas tama ang hinala.
  • Marunong mag hintay.
  • Matagal maligo.
  • Hindi nag papabastos sa kung sinu-sino
  • Hindi padalos dalos.
  • Laging tumitingin sa salamin.
  • Simple at walang arte.
  • Marunong sa gawaing bahay.
  • Mahaba ang pasensiya.

Balik tanaw

Naalala ko pa noong batang paslit pa lamang ako.
Lagi akong nag lalaro sa putikan at buhanginan,
patintero,tumbang preso,piko,luksong baka,at
tagu-taguan. Yan ang madalas naming nilalaro
ng aking mga kaibigan.

Ang sarap pala balikan ng mga alalaalang
taon na ang nakalipas.
yung tipong mahilig pa tayo makipag away 
dahil sa laro lang,  nakakaihi
sa ating hinihigaan, walang pinoproblema sa
buhay, hindi ka ubligadong tumulong
sa gawaing bahay at yung tipong 
atat na atat na tayong
gawin ang mga bagay na ginagawa
ng mas matatanda sa atin.

Pero bakit ngayong nag sisimula palamang ako
ay parang ayoko na?
yung tipong gusto ko ng bumalik sa pag kabata
kasi walang kahirap hirap kang
makukuha ang gusto mo dahil
kusa nalang itong ibibigay ng magulang mo,
Kasi hindi ka mapapagod gawin ang takdang
aralin mo dahil tutulungan ka ng ate't kuya mo.

Ngayon. Palagi kang pagod,
palagi kang may problema, palagi kang
may ginagawa, palagi kang busy.
lahat nalang ata ng palage nasayo na.

Pero dapat salahat ng bagay ay maging 
positibo tayo, upang sa lahat ng tanong natin
sa ating sarili ay maalitan ng positibong sagot.
Nawa'y maging inspirasyon natin
ito upang maipag patuloy natin ng maayos ang 
mga nais nating gawin

Si Bea, Ang tunay kong kaibigan

Masarap sa pakiramdam pag alam mong may kaibigan kang
laging nandyan, maaasahan sa lahat ng oras, tutulungan ka
sa lahat ng bagay, susuportahan ka sa lahat ng gusto mo,
hindi ka iiwan sa panahon ng kagipitan at dadamayan ka sa
lahat ng lungot at pighating nararanasan mo.

Ako si Candice, Isang simple,tahimik at mahiyaing babae, DATI.
Nag bago ako simula nang makilala ko ang BESTFRIEND kong
si Bea. Mabait si Bea Simple at masayahing babae. Lagi siyang
nandidyan pag kailangan ko siya,lagi niya akong sinesermunan
sa tuwing may nagagawa akong di kaaya-aya sa paningin nya.
Para ko na siyang kapatid eh, Dahil kasundo ko siya sa lahat ng
bagay. Pitong taon na kaming mag kaibigan ni Bea, simula Kinder
hanggang first year high school mag ka-klase kasi kami. Pero
ngayong taon na to ay di ko na siya magiging ka-klase lilipat na
kasi kami ng tirahan at ililipat naren ako ng paaralan. Napag 
kasunduan nalang namin na mag chat, at mag skype para maka-
musta ang isa't-isa. Siguro nga sinubok ng tadhana ang aming 
pag kakaibigan, kung gaano katibay ang aming pinag samahan.

Nabago ng paaralan kong pinasukan ang ugali ko't anyong
pisikal. Nag-iba ang pamamaraan ko ng pakikipag usap.
Kung dati'y mahinhin at magalang, ngayon pilosopo na
at pabalang. Nag bago ang istilo ng aking pananamit, kung
dati'y mahahabang damit ang aking madalas isuot. Ngayon
Maiiksi na at iligante kung tignan. Natuto akong mag 
mag paganda at mag ayos sa aking sarili. Lahat nang yan ay
ginawa ko upang makibagay sa paaralang pinasukan ko,
upang magkaroon ako ng madaming kaibigan. Hindi ako
nabigo, Dumami nga ang aking naging kaibigan. Lagi na 
akong gumagala kasama sila, kung minsan dumarating sa
punto na hindi naako nakakapag paalam makasama lang
sa galaan. 

Noong mga panahong iyon ay napaka saya ko sa piling ng
mga bago kong kaibigan. Naimpluwensiyahan nila akong
mangopya,mandaya,at mag cutting classes. Hanggang
sa dumating yung araw na nag karoon ako ng malaking 
problema. Kinausap ako ng aking guro, at ang sabi niya
"Hindi na ako maaaring pumasok pa sa paaralan dahil
sa dami ng alintuntunin ng paaralan na aking nilabag."
Matagal na kasing pinapapunta ang aking magulang sa
paaralan,mas inuna ko ang aking takot kaya naisipan kong
wag nalamang itong sa bihin sa kanila. Nagulat ako dahil
sa dami rami ng mga lumabag sa alituntunin, bakit ako
lamang ang naparusahan? bakit ako lang?

Agad kong pinuntahan ang aking mga kaibigan.
Ngunit ni isa sakanila ay di ako dinamayan, Ni hindi
man lang nila ako malapitan at makausap. 
Iniwan nalang nila ako basta sa ere ng mag isa.
tumakbo ako palabas ng aming paaralan at
agad na umuwi sa bahay. Naramdaman ko ang pag
agos ng mga luha ko. Sa mga oras na yon, Wala akong
masabihan ng problema ko. Umiyak lang ako ng umiyak.
at nang dumating na yung oras na wala na akong 
mailuluha, Naalala ko bigala ang aking BEST FRIEND.
Si Bea na laging nandiyan pag kailangan ko, Si Bea
na dinadamayan ako sa problema ko, Si Bea na di
ako iniiwan sa ere.

Matapos kong maisip ang mga iyon, di  ako nag dalawang
isip na buksan agad ang kumpyuter. Tinignan ko agad ang
Facebook at Skype ko. Nagulat ako. 105 missed call, 501
message. agad ko siyang minessage.
"Bea,Sorry ha? sorry kung nakalimutan kita. Sorry kung
di na kita kinakamusta. alam kong nag kulang ako sana
mapatawag moko sa nagawa kong di pag paparamdam 
sayo. Mahal na mahal kita e"

1 new message.

"Candice, Okay lang para saan pa't naging mag bestfriend 
tayo diba? alam ko namang may dahilan e. at kahit ano 
payan handa kitang damayan. iloveyouto candice"

Sa mga puntong iyon, Meron akong bagay na natutunan.
Mga bagay na hinding hindi ko makakalimutan. 
Nag papasalamat ako dahil meron akong kaibigang
laging nandidyan sa oras na kailangang kailangan
ko ng karamay at kausap. Lubos ang nag papasalamay
sayo Bea.

Pagmamahal sa Bayan

Ang pag mamahal sa bayan 
ay likas na naka ugnay sa puso nating mga pilipino,
Iba-iba nga lang ang ating pamamaraan upang 
ipakita at maipahayag ito.

Hindi ito nasusukat nasusukat sa antas ng pamumuhay.
mahirap man o mayaman, Bata man o matanda ay may
Aking taglay na nag papakita ng pagmamahal sa bayan.

Bilang isang kabataan
Gaya ng ilan may iba akong paraan na nag papakita 
ng pagmamahal sa bayan,
Hindi man madugo at buwis buhay isa itong paraan
na maaring tularan ng kapwa ko kabataan.

Ang simpleng pagtulong sa kapwa,
Pag sali sa mga organisasyong makakatulong sa bayan,
Pag tang kilik ng mga produktong sariling atin,
Pag sunod sa alituntun nin (Mga batas) ng ating bansa,
Pagiging huwaran sa iyong nasasakupan.
Mga simpleng paraan na nag papakita ng pagmamahal
sa bayan.

Siguro kung nabubuhay ngayon ang ating mga 
bayani ay matutuwa at magagalak sila
Dahil ipinapagpatuloy natin ang bayang 
Minahal at ipinaglaban nila.

Mahalagang maunawaan natin kung ano 
nga ba ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.
Marami kang makakalap na kaalaman na magagamit mo 
upang makagawa ng kabutihan sa iyong kapwa.
Mga kaalamang maitatago mo at maibahagi sa mga
taong nasa paligid mo.