Linggo, Enero 18, 2015

Si Bea, Ang tunay kong kaibigan

Masarap sa pakiramdam pag alam mong may kaibigan kang
laging nandyan, maaasahan sa lahat ng oras, tutulungan ka
sa lahat ng bagay, susuportahan ka sa lahat ng gusto mo,
hindi ka iiwan sa panahon ng kagipitan at dadamayan ka sa
lahat ng lungot at pighating nararanasan mo.

Ako si Candice, Isang simple,tahimik at mahiyaing babae, DATI.
Nag bago ako simula nang makilala ko ang BESTFRIEND kong
si Bea. Mabait si Bea Simple at masayahing babae. Lagi siyang
nandidyan pag kailangan ko siya,lagi niya akong sinesermunan
sa tuwing may nagagawa akong di kaaya-aya sa paningin nya.
Para ko na siyang kapatid eh, Dahil kasundo ko siya sa lahat ng
bagay. Pitong taon na kaming mag kaibigan ni Bea, simula Kinder
hanggang first year high school mag ka-klase kasi kami. Pero
ngayong taon na to ay di ko na siya magiging ka-klase lilipat na
kasi kami ng tirahan at ililipat naren ako ng paaralan. Napag 
kasunduan nalang namin na mag chat, at mag skype para maka-
musta ang isa't-isa. Siguro nga sinubok ng tadhana ang aming 
pag kakaibigan, kung gaano katibay ang aming pinag samahan.

Nabago ng paaralan kong pinasukan ang ugali ko't anyong
pisikal. Nag-iba ang pamamaraan ko ng pakikipag usap.
Kung dati'y mahinhin at magalang, ngayon pilosopo na
at pabalang. Nag bago ang istilo ng aking pananamit, kung
dati'y mahahabang damit ang aking madalas isuot. Ngayon
Maiiksi na at iligante kung tignan. Natuto akong mag 
mag paganda at mag ayos sa aking sarili. Lahat nang yan ay
ginawa ko upang makibagay sa paaralang pinasukan ko,
upang magkaroon ako ng madaming kaibigan. Hindi ako
nabigo, Dumami nga ang aking naging kaibigan. Lagi na 
akong gumagala kasama sila, kung minsan dumarating sa
punto na hindi naako nakakapag paalam makasama lang
sa galaan. 

Noong mga panahong iyon ay napaka saya ko sa piling ng
mga bago kong kaibigan. Naimpluwensiyahan nila akong
mangopya,mandaya,at mag cutting classes. Hanggang
sa dumating yung araw na nag karoon ako ng malaking 
problema. Kinausap ako ng aking guro, at ang sabi niya
"Hindi na ako maaaring pumasok pa sa paaralan dahil
sa dami ng alintuntunin ng paaralan na aking nilabag."
Matagal na kasing pinapapunta ang aking magulang sa
paaralan,mas inuna ko ang aking takot kaya naisipan kong
wag nalamang itong sa bihin sa kanila. Nagulat ako dahil
sa dami rami ng mga lumabag sa alituntunin, bakit ako
lamang ang naparusahan? bakit ako lang?

Agad kong pinuntahan ang aking mga kaibigan.
Ngunit ni isa sakanila ay di ako dinamayan, Ni hindi
man lang nila ako malapitan at makausap. 
Iniwan nalang nila ako basta sa ere ng mag isa.
tumakbo ako palabas ng aming paaralan at
agad na umuwi sa bahay. Naramdaman ko ang pag
agos ng mga luha ko. Sa mga oras na yon, Wala akong
masabihan ng problema ko. Umiyak lang ako ng umiyak.
at nang dumating na yung oras na wala na akong 
mailuluha, Naalala ko bigala ang aking BEST FRIEND.
Si Bea na laging nandiyan pag kailangan ko, Si Bea
na dinadamayan ako sa problema ko, Si Bea na di
ako iniiwan sa ere.

Matapos kong maisip ang mga iyon, di  ako nag dalawang
isip na buksan agad ang kumpyuter. Tinignan ko agad ang
Facebook at Skype ko. Nagulat ako. 105 missed call, 501
message. agad ko siyang minessage.
"Bea,Sorry ha? sorry kung nakalimutan kita. Sorry kung
di na kita kinakamusta. alam kong nag kulang ako sana
mapatawag moko sa nagawa kong di pag paparamdam 
sayo. Mahal na mahal kita e"

1 new message.

"Candice, Okay lang para saan pa't naging mag bestfriend 
tayo diba? alam ko namang may dahilan e. at kahit ano 
payan handa kitang damayan. iloveyouto candice"

Sa mga puntong iyon, Meron akong bagay na natutunan.
Mga bagay na hinding hindi ko makakalimutan. 
Nag papasalamat ako dahil meron akong kaibigang
laging nandidyan sa oras na kailangang kailangan
ko ng karamay at kausap. Lubos ang nag papasalamay
sayo Bea.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento