Naalala ko pa noong batang paslit pa lamang ako.
Lagi akong nag lalaro sa putikan at buhanginan,
patintero,tumbang preso,piko,luksong baka,at
tagu-taguan. Yan ang madalas naming nilalaro
ng aking mga kaibigan.
Ang sarap pala balikan ng mga alalaalang
taon na ang nakalipas.
yung tipong mahilig pa tayo makipag away
dahil sa laro lang, nakakaihi
sa ating hinihigaan, walang pinoproblema sa
buhay, hindi ka ubligadong tumulong
sa gawaing bahay at yung tipong
atat na atat na tayong
gawin ang mga bagay na ginagawa
ng mas matatanda sa atin.
Pero bakit ngayong nag sisimula palamang ako
ay parang ayoko na?
yung tipong gusto ko ng bumalik sa pag kabata
kasi walang kahirap hirap kang
makukuha ang gusto mo dahil
kusa nalang itong ibibigay ng magulang mo,
Kasi hindi ka mapapagod gawin ang takdang
aralin mo dahil tutulungan ka ng ate't kuya mo.
Ngayon. Palagi kang pagod,
palagi kang may problema, palagi kang
may ginagawa, palagi kang busy.
lahat nalang ata ng palage nasayo na.
Pero dapat salahat ng bagay ay maging
positibo tayo, upang sa lahat ng tanong natin
sa ating sarili ay maalitan ng positibong sagot.
Nawa'y maging inspirasyon natin
ito upang maipag patuloy natin ng maayos ang
mga nais nating gawin
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento